LAUNCH NG WILLING WILLIE SA TV5 NAG-NUMBER ONE!


Tunay ngang nakabalik na si Willie Revillame! Noong nakaraang Sabado, ang Willing Willie, ang kaniyang pinag-uusapang bagong show sa TV5, ay umere na sa unang pagkakataon at agad itong naging #1 show sa timeslot nito. Ipinakita ng Nielsen TV Audience Measurement (Megamanila Individuals) overnight ratings na dahil sa bagong show ni Willie, nanalo ang TV5 na nagtamo ng 33.8%, sinundan ng ABS-CBN sa 30.4% nito at ng GMA with 26.0%.

Tampok ang mahigit 250 performers sa multi-million peso new set nito, ang pilot episode ng Willing Willie ay nagdulot ng kakaibang pangyayari noong Sabado. Naging worldwide trending topic sa social networking site na Twitter ang show. Ang pagbubukas din ng programa ay sinalubong ng napakaraming fans na nagdulot ng standstill traffic sa Quirino Highway sa Novaliches kung saan nandoon ang studio ng Willing Willie sa TV5.

Lubos na nagpapasalamat si Willie sa libo-libong fans at supporters niya sa buong Pilipinas at maging sa iba’t-ibang panig ng mundo na nagpahiwatig ng kanilang kahilingan na makitang siyang magbalik-telebisyon. “Hindi kami magiging No. 1 kundi dahil sa mga manonood na naniniwala na dapat naming ipagpatuloy an gaming nasimulan, ang pagtulong sa maraming tao, ang pagpapatuloy ng saya at pag-asa ng bawat Pilipino. Sila ang tunay na No. 1,” ani Willie.

Pahayag naman ni Atty. Ray C. Espinosa, TV5 President at CEO, “We are ecstatic with the very strong rating of Willing Willie and this is indubitable proof that Willie Revillame, contrary to recent propaganda, is and remains a well-loved host with a large base of loyal followers. We are confident that Willing Willie will also deliver strong ratings during weekdays and provide further lift to the ratings of our weekday shows.”

Dahil sa napaka-impressive na launch nito, binuo ng Willing Willie ang bagong trio ng #1 shows ng Saturday lineup ng TV5. Matatandaang ngayong buwan din ng Oktubre naging #1 sa timeslot nito ang bagong show ni Vic Sotto na L.O.L (Laugh or Lose) sa first episode nito. Ang orihinal na “Weekend Winner” ng TV5 na Talentadong Pinoy ay consistent pa din sa pagiging #1 sa timeslot nito. Big hit talaga ang programang ito ni Ryan Agoncillo dahil nag-set na rin ito ng trend ng talent shows sa mga kalabang networks.

Dahil sa tagumpay ng mga programa nito, in less than a year, ang bagong launch na TV5 sa ilalim ng pamumuno ni Manny Pangilinan ay #1 network na ngayon sa Saturday primetime. Ipinapakita din ng Nielsen report na mula 5pm hanggang 10pm noong Sabado ay nakakuha ang TV5 ng audience share na 31.9% kumpara sa 29.1% ng ABS-CBN at 27.9% ng GMA.

Ayon kay Mr. Bobby Barreiro, TV5 EVP at COO, “TV5 has already begun winning weekends, especially on Saturdays with L.O.L. and Talentadong Pinoy. The addition of Willing Willie makes TV5 truly the network to watch. It’s any programmers dream to have Vic Sotto, Ryan Agoncillo and Willie Revillame in one network and on one night. And yet, despite having such big name hosts, the great thing about our Saturday lineup is that the three shows are also focused on the audience, the shows all shine the spotlight on the people.”

Napapanood ang Willing Willie tuwing Sabado ng 5pm at 6:30pm naman mula Lunes hanggang Biyernes sa TV5.

0 comments:

Post a Comment