There was an error in this gadget

Mana Po Story (2011)


Ang MANA PO ay isang kwento ng pag-ibig na nagsimula sa kasinungalingan at pagpapanggap hanggang sa nauwi sa katotohanan at wagas na pagmamahalan.

Si BRANDI DELA PAZ (Melai Cantiveros) ay lumaki na maykaya dala ng galing sa paghawak ng negosyo ng kanyang amang si Vino. Ang hindi alam ni Brandi, ang perang  ginamit ng kanyang ama para masimulan ito ay galing sa sweepstakes ticket na napanalunan ng best friend nitong si Jack. Nilihim lang ni Vino ito mula kay Jack dahil trinaydor siya ng kaibigan nang pakasalan nito ang babaeng dating minahal ni Vino. Hindi na niya ito ipinaalam kay Jack at sinolo na lamang ang napanalunang pera.

But Vino ended up living a life full of guilt because he knew that what he did to Jack is wrong. And before he dies, gusting niyang itama ang kanyang kamalian. He wants to return what is rightfully Jacks’. Hindi lamang ito ang limang milyong piso na orihinal niyang napalunan sa sweepstakes kundi ang lahat ng kayamanan na meron siya.

Nang mamatay si Vino, pinaliwanag niya sa kanyang last will and testament, kasama ang isang recorded video, ang kanyang desisyon na iwan sa panganay na anak ni Jack na si MILOSEBIO KIPING (Jason Francisco) ang lahat ng kanyang kayamanan bago sumapit ang 25th birthday nito. Inihabilin rin niya sa anak niyang si Brandi ang pagtuturo kay Milo ng tamang pamamalakad ng kanyang naiwang negosyo. Kapalit nito, pinamanahan niya si Brandi ng P500,000.

Hindi matanggap ni Brandi ang huling habilin ng ama. Kaya naman sa tulong ng kanyang  BFF  na si JOHNNIE SANTOS (Tom Rodriguez) ay nagplano siya kung papano niya makukuha ang naiwang kayamanan ng ama mula kay Milo: Paiibigin ni Brandi si Milo at papakasal siya dito para maging conjugal ang kayamanan nila. Pagkatapos, hihiwalayan niya ito, palalabasing nagloko ang lalake para mapasakanya muli ang talaga namang kanya.

Ang di inaasahan ni Brandi ay magiging totohanan pala ang dapat ay kunwa-kunwarian lang. Magkatuluyan nga kaya sina Brandi at Milo…? O maging sanhi kaya ng habambuhay na pagkakahiwalay ang plano ni Brandi na kamkamin ang kayamanang iniwan ng ama para kay Milo…?


0 comments:

Post a Comment