There was an error in this gadget

Coco Martin is thankful for having to work with Andi Eigenmann and Maja Salvador.

Ang bida ng ‘Minsan Lang Kita Iibigin’ na si Coco Martin ay naitambal na sa maraming magagandang aktres sa industriya. Ngunit wala pang napapabalita kung sino ang nililigawan talaga ng aktor.




Ngayong dalawang babae ang kanyang kapareha sa high-rating na primetime serye sa ABS-CBN, ang ‘Minsan Lang Kita Iibigin,’ sino kaya ang kanyang natitipuhan?

“Kung sino po ang gusto ko sa kanila… nakakalito po eh, ha ha ha! Biro lang ho. Sa totoo lang po pareho silang masarap ka-trabaho,” pahayag ni Coco. “Kahit sino siguro matutuwa pagnagkaroon sila ng opportunity na makasama sa isang project sina Andi at Maja. Swerte po ako na nabigyan po ako ng chance na ganun,” dagdag ng aktor.

Naka-focus ang aktor sa kanyang career ngayon bilang isang aktor. “Sa ngayon po kasi naka-focus po talaga ako sa trabaho. Pero malay po natin di ba? Di naman natin masasabi kung kailan darating ang pag-ibig he he he,” masayang sagot ni Coco.

Samantala, sa mga susunod na tagpo sa Minsan Lang Kita Iibigin, patuloy na uusbong ang pagiibigan nina Krista (Maja) at Alexander (Coco) at Gabrielle (Andi) at Javier (Coco) habang patindi ng patindi ang mga aksyong magaganap sa pagitan ng iba pang karakter sa kwento.

Huwag bibitaw sa umiigting mga tagpo sa Minsan Lang Kita Iibigin, Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN pagkatapos ng “Mutya.”

0 comments:

Post a Comment