There was an error in this gadget

PHR Presents Impostor Revealed

Sam Milby has bought a bed to share with Impostor co-star Maja Salvador.

Sa kali-kaliwang tsismis na nag-uugnay kina Prince of Romance Sam Milby at Drama Sweetheart Maja Salvador, nananatiling tahimik ang dalawa sa usaping pag-big. Halatang kapwa tutok ang dalawa sa hit romantic-comedy-drama series nilang Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor.

Sa isang exclusive interview kay Maja, naikwento nitong dahil sa madalas na pagsasama nila ni Sam, mas lalong tumatatag ang kanilang pagkakaibigan. “Happy ako sa kung anumang friendship meron kami ni Sam. Dahil sa loveteam namin, may mga nanunukso na baka magkagustuhan kami, na hindi matatapos ang Impostor nang hindi magiging “kami.” Pero hindi kami nagpapa-apekto sa ganon ni Sam. Okay kaming dalawa, walang ilangan, parang kuntento kami sa friendship.”

Nang tanungin kung paano niya inaalagaan si Sam bilang kaibiga, hindi naitago sa sagot ni Maja ang kakaibang pag-aasikaso niya sa kanyang leading man. “Dinadalhan ko siya ng food kasi dinadalhan niya rin ako ng food. Sa halos araw-araw naming pagsasama, halos alam na namin kung ano ‘yung diet ng isa’t-isa. ‘Yung favorite niya mga cereals. Kaya kapag pumupunta ako ng grocery minsan bumibili ako. Kapag may mga binibigay sa aking pasalubong, binibigyan ko rin siya. Tapos siya rin, kapag pumupunta siya ng S&R, kapag gusto ko kumain ng carbonarra, ‘yun binibigyan niya ako.”

Aliw na naikuwento rin ni Maja ang tungkol sa pinagkakatuwaan nilang bed na binili ni Sam kamakailan. “Minsang nagpunta siya ng S&R, may nakita siyang air bed. Sabi niya para daw sa amin. Pwede daw kasi ‘yun for two. Tapos one time dinala niya sa set. Habang nagte-take siya, since sinabi naman niyang “para yan sa ‘tin” ‘yun, so doon ako nag-stay. Tapos ayun na! Ako lang ‘yung gumamit ng bed hanggang sa na-packup. Nung ginising niya ako, tinanggal niya yung hangin. So parang nakahiga na lang ako sa sahig.”

Pahayag naman ng Impostor co-star nilang si Jason Francisco, lagi daw niyang napapansing naglalaro sina Maja at Sam sa set. “Lagi din po silang nagho-holding hands. Lagi rin silang nag-aasaran. Laging pinipikon ni Maja si Sam. Parang sobra po slang magka-close.”

Katulad ng closeness nina Sam at Maja, mas lalong nagiging malapit na ang loob ng mga bida sa PHR presents Impostor na sina Anthony (Sam) at Devin (Maja). Sa pagpapatuloy ng kwento, tuluyan nang napaibig ni Devin si Anthony dahil sa pag-aakalang ito ang asawa n’yang si Mariz, kaya naman hindi na pinigilan pa ni Anthony ang kanyang nararamdaman na humantong sa isang “renewal of vows” o muling pagpapakasal nilang dalawa.

Ngunit kasabay ng “bagong buhay” ng mag-asawa ang sunod-sunod na rebelasyon ng katotohanan.Paano kayang tatanggapin ni Donya Valeria, ang ina ni Anthony at lola ni Joshua na anak ni Julio si Joshua at walang karapatan sa mga pag-aari ng mga Florencio? Paano kung tuluyan ng inamin ni Devin ang totoo n’yang pagkatao kay Anthony? Ano ang magiging epekto nito sa kanilang samahan? Saang hahantong ang pagiging impostor ni Devin?

Kasama rin sa PHR presents Impostor sina Melai Cantiveros, Jason Francisco, Precious Lara Quigaman, Bobby Andrews, Raquel Villavicencio at Izzy Canillo.

Huwag palampasin ang bagong mukha ng pag-ibig sa PHR presents Impostor, weekdays sa Hapontastic, 3:50pm, pagkatapos ng Rosalka sa ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment