There was an error in this gadget

Kelly Misa will save the character of Aga Muhlach from an accident on M3

So to be wed Kelly Misa will save the character of Aga Muhlach from an accident on M3: Malay Mo Ma-develop this Saturday.

Sa ginanap na launching ng ABS-CBN Christmas campaign noong nakaraang Nobyembre 4, isang napakaganda’t nakabibighaning Kelly Misa ang namataan. Kitang-kita sa mga mata ng TV host/model na masayang-masaya ito sa kanyang nalalapit na kasal sa non-showbiz fiancé na si Carlos Fernandez.

Ilang buwan na ang nakalipas simula ng mag-propose ang kasintahan sa kanya, ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin makalimutan ni Kelly kung paanong unang nabihag ang puso niya ng lalaking minamahal. Sa isang panayam, matamis na binalikan ni Kelly ang mga pangyayari sa kakilig-kilig na wedding proposal ni Carlo sa kanya.

“Ayun, nagyaya siyang mag-hike daw kami sa bundok. Kasama naman daw yung ibang mga friends namin, kaya sumama na rin ako. Midway up, nag-propose nalang siya bigla in front of everyone. Sobrang iyak ako nang iyak,” ani Kelly.

Maliban sa kanyang napipintong pagpapakasal na pinaplano niyang payak na idaos sa isang beach, abalang-abala din si Kelly sa kanyang kaliwa’t kanang appearances sa TV o print media man. Hindi alam ng iba na beauty columnist din si Kelly sa isang broadsheet, regular na nagbibigay ng pinakabagong beauty tips.

“As of now, manageable pa naman ang lahat. Siguro kapag sobrang malapit na talaga yung wedding, that’s the time I should lie-low,” ani Kelly.

Inamin din ni Kelly na sobrang ikinalulugod niya ang makatrabaho sa kauna-unahang pagkakataon ang award-winning actor na si Aga Muhlach. Aniya, nakatutuwang isipin na sa kabila ng pagiging sikat na sikat ng aktor, nanatili pa rin itong mapagpakumbaba.

“I’m really honored to work with Aga. Bukod sa napakagwapo at napakagaling na artista, you’ll really see how he’s passionate with his craft,” tahasang pahayag ni Kelly.

Samantala, sa M3 ngayong darating na Sabado, isang jologs at balahurang si Lisa Esteban (Kelly Misa) ang magliligtas kay JM (Aga Muhlach) mula sa isang aksidente. Bagaman tunay na magkaiba ang kanilang personalidad, agad namang gagaan ang loob ng dalawa sa isa’t isa. Habang abalang-abala si JM sa kanyang bagong kaibigan, haharap na naman siya sa isang matinding pagsubok sa negosyo kasama si Kringkring (Aiai delas Alas). At lingid sa kaalaman ni JM, isang lihim pala ang itinatago nitong si Lisa.

Kasama rin sina Megan Young, Niña Jose, Jojo Alejar, at Jairus Aquino ang M3 ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Frasco Mortiz.

Abangan at huwag palampasin ang Malay Mo Ma-develop o M3, Primetime Sabado, 10:15 p.m. sa ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment