There was an error in this gadget

Veteran and new actors showcase acting prowess in “Sabel”.


Mga beterano’t baguhang aktres at aktor ang nagsama-sama sa pinaka-bagong primetime series sa ABS-CBN, ang ‘Sabel.’ Ngunit hindi pahuhuli ang bawat isa pagdating sa aktingan.
Bago pa mang maituturi sa larangan ng aktingan sina Jessy Mendiola, ang gumaganap na Sabel, Aj Perez at Joseph Marco, makikita na maganda ang hinaharap ng tatlo sa kanilang mga karera. Ang kanilang direktor na si Don Cuaresma ay bilib sa husay ng tatlong baguhan. “Magaling sina Jessy, Aj and Joseph. Siguro nakatulong na komportable na sila sa isa’t isa, pero nakakabilib na sa isang take kuha ng ng tatlo yung eksena,” pahayag ni Direk Don.
Samantala, walang kupas pa rin ang galing nina Rita Avila, Raymund Bagatsing, Daria Ramirez, Tommy Abuel, at Glydel Mercado. Hindi matatawaran ang kanilang pagganap sa mga mapanghamon nilang mga papel sa ‘Sabel.’
Sa pagpapatuloy ng Sabel, malalaman na ni Margaret (Rita na si Sabel (Jessy) ang dahilan kung bakit ayaw nang pumsok ni Dido (AJ) sa seminaryo. Makakapekto kaya itong rebelasyon na ito sa pagkakaibigan nina Sabel at Dido?
Huwag palalampasin ang salpukan ng mga bituin sa ‘Sabel,’ Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN pagkatapos ng “Shout Out.”

0 comments:

Post a Comment