There was an error in this gadget

Alakdana; GMA Drama Rama Sa Hapon! (2011)

nihahandog ng GMA ang isa na namang orihinal na drama fantaserye na tiyak ninyong aabangan – ang ALAKDANA.

Magsisimula ang kuwento ng Alakdana sa istorya nina Vergel, isang mayamang businessman na magkakagusto sa kanilang kasambahay na si Teresa. Matatag ang kanilang pag-iibigan sa kabila ng kanilang pagtatago mula sa mga magulang ni Vergel, ngunit ito ay magbabago sa pagbabalik ng ex-girlfriend at kababata ni Vergel na si Zoila. Handa si Zoila na gawin ang lahat upang makuhang muli ang pagmamahal ni Vergel, kaya sa tulong ng isang ermitanyo ay malalaman niya ang tungkol sa gintong alakdan at gagamitin ang kapangyarihan nito.

Sa tulong ng gintong alakdan ay malalason ang isipan ni Vergel, kaya iiwan nito si Teresa at babalik it okay Zoila. Ito rin ang lalason at magsusumpa kay Teresa, na nagdadalang-tao na sa anak nila ni Vergel. Dito maisisilang si Adana, na ipinanganak na may buntot ng alakdan.

Sa kabila ng kanyang kakaibang itsura, aalagaan at mamahalin si Adana ng kanyang ina, at lalaki itong maka-Diyos at mapagmahal na bata. Ngunit pahihirapan siya ng kanyang mga kalarong nais malaman kung bakit palaging mahabang palda ang suot nito. Ipinagtatanggol siyang parati ng kanyang kaibigang si Joma mula sa mga nagpapahirap sa kanya.

Ngunit dahil sa isang trahedya ay malalaman ng mga tao ang tungkol sa buntot ni Adana, at mapipilitan silang magpakalayo para sa kaligtasan ni Adana. Paano kaya mababago ng pangyayaring ito ang buhay nina Adana at Teresa? Malaman kaya ni Adana ang tunay na katauhan ng kanyang ama, at malaman kaya niya kung sino ang nasa likod ng kanyang pagkakasumpa? May magmamahal kaya sa babaeng may buntot ng alakdan? At sino kaya kina Billy, Gabriel at Joma ang makakahuli sa puso ni Adana?

Sa ilalim ng direksiyon ni Mac Alejandre ay maaasahan ng mga manonood ang isang madrama at makulay na istorya sa pagsisimula ng Alakdana, na mapapanood simula January 24 pagkatapos ng Eat Bulaga sa Dramarama sa Hapon ng GMA.

Source: iGMA

0 comments:

Post a Comment