There was an error in this gadget

Julia Montes and Kathryn Bernardo‘s characters get kidnapped in Mara Clara this week.

Tutok na tutok na ang lahat sa umiigting na kwento ng ‘Mara Clara.’ Dahil sa ‘di mapigilang pagdami ng mga sumusubaybay sa naturang programa mapa-bata man o matanda, tuluyan na nitong tinambakan ang katapat na serye sa GMA 7.


Pumalo ng 38.7% ang national TV rating ng Mara Clara noong Martes (Feb 7), ang pinakamataas na naitala ng nasabing teleserye, ayon sa Kantar Media/TNS. Ang kalabang “Machete” ay nagtala lang ng 15.1% national TV ratings.

Samantala, sa mga susunod na tagpo, malalagay sa panganib ang buhay nina Mara (Kathryn Bernardo) at Clara (Julia Montes). Parehong makikidnap si Mara at Clara ngunit walang makapansin sa party na nawawala na ang dalawa. Sa paglaon ng kwento, malalaman na si Gary (John Hilario) pala ang pasimuno ng naturang kidnapping. Pupunta si Gary sa lugar na pinagdalhan ng mga nakidnap at ikagugulat nito ang pagkakasama na Clara. Subalit hahayaan ni Gary na makulong rin si Clara kasama si Mara. Gagamitin din niya si Clara para lumaki ang ransom.

Malalaman kaya ni Clara na ang pasimuno ng pangingidnap ay si Gary? Makakatakas kaya si Mara at si Clara? Alamin ang kasagutan ngayong linggo sa ‘Mara Clara,’ Lunes hanggang Biyernes, sa ABS-CBN pagkatapos ng ‘Mutya.’

0 comments:

Post a Comment