There was an error in this gadget

Pablo S. Gomez's "Machete" (2011) GMA 7


Naniniwala ka ba sa pag-iibigan na walang kamatayan?

Ganyan ang pag-ibig nina Aginaya at Machete

Sa pakikipaglaban para sa kanilang pagmamahalan, nasawi ang magiting na mandirigma. Inilibing siya kung saan isang misteryosong puno ang umusbong.

Pagkalipas ng panahon, ang lugar na ito ang naging takbuhan ng isang dalagang nagngangalang Rosella. Sa kanyang pag-iisa, iginuguhit niya ang anyo ng isang matipunong lalaking nakikita niya sa kanyang isipan.

Ang kanyang ginuhit ay mapapasakamay ng isang sikat na iskultor, si Marla. At mula sa puno sa ilang lililukin niya ang istatwang Machete.

At sa pagkamangha ng lahat, ang estatwa'y mabubuhay!

Ito na pala ang tugon sa dasal ni Aginaya na muling ipagpatuloy ang kanilang pag-iibigan. Mabubuhay siya muli sa katauhan ni Rosella.

Ngayon maisasakatuparan kaya nina Machete at Rosella ang sinumpaang pagmamahalan? O nang dahil kay Marla ay muling mahahadlangan ang kanilang pag-iibigan?

Uukitin na ang bagong kasaysayan ni Machete.

0 comments:

Post a Comment