There was an error in this gadget

Nita Negrita (2011) Coming Soon on GMA 7


Nangunguna sa cast ng Nita Negrita ang mga tween stars na sina Barbie Forteza, who plays the title role; Joshua Dionisio bilang si Prince; at si Lexi Fernandez bilang Misty, ang makakasama ni Nita sa bahay-ampunan at magiging karibal niya sa atensyon ni Prince.

Dahil si Barbie ang gaganap sa title role, nakakaramdam ba siya ng kaba or pressure?

"Hindi lang naman po ako. Siyempre lahat naman po ng nasa show, talagang part, so kailangan din nila ibigay ‘yung best nila," says Barbie. "Lahat naman po kami, kumbaga kailangan namin mapanatiling sobrang ganda nung show. Hindi lang naman po ako or si Joshua or si Lexi, lahat po kami magtutulungan."

Samantala, very excited si Joshua kahit na nararamdaman niya ang kaba ng pagkakaroon ng bagong show.

"Sobrang excited na kasi this time, sa role ko, magta-taekwondo ako, so magkakaroon ako ng workshop for taekwondo. Si Barbie nga, (nag-train) for gymnastics. Tuma-tumbling tumbling siya," kuwento ni Joshua. "At saka bagong story kasi, saka lahat bago, pati direktor, first time namin makakatrabaho si Direk [Gil Tejada Jr.]. Kinakabahan kami kasi nga malaking show na naman na kami-kami ang magbibida…Kami na naman ang magdadala ng show, sa amin na naman ang pressure."

Samantala, nakakatrabaho na ni Lexi ang dalawang itinuturing na Tween Royalties sa Reel Love presents Tween Hearts, ngunit excited pa rin siya dahil ito ang kanyang unang show na siya ang main kontrabida, at ngayon lamang niya makaka-love triangle ang dalawa.

"Excited po ako kasi close naman po kaming tatlo dahil sa Tween Hearts. Sobrang close na po kami, so komportable na kami, so magiging madali na para sa 'min na gampanan ‘yung mga roles naming. Tapos ‘yung love triangle, sabay naming paghihirapan at gagalingan para magustuhan ng mga tao," says Lexi. "Kaming dalawa ni Barbie ang lead. Ako ‘yung lead kontrabida, siya ‘yung bida, so sabi nga ni Direk, nasa amin ‘yung burden na kailangan naming galingan."

Of course, umaasa ang tatlo na ang mga fans nila sa Tween Hearts ay ipagpapatuloy ang pagpapakita ng kanilang suporta sa kanila sa bagong show na ito. "Sana naman, yung mga fans namin sa Tween Hearts ay suportahan kami hanggang sa Nita Negrita," says Joshua.

Abangan ang pagsisimula ng Nita Negrita ngayong Lunes pagkatapos ng Alakdana dito lamang sa GMA.

Pag-usapan ang Nita Negrita sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!

0 comments:

Post a Comment