There was an error in this gadget

Lani Misalucha; kapatid Station na!


Ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha ay magbabalik sa Pilipinas hindi upang maging kapamilya o kapuso kundi upang maging kapatid ng TV5.

Mapapanood si Lani every Sunday sa PO5. Bukod sa nasabing musical variety show, magiging judge rin siya sa Talentadong Pinoy at bibigyan din siya ng one-month starring role sa 5 Star Special.

Since 2004 ay nagperform si Lani sa Las Vegas kung saan itinanghal siyang Best Singer sa 27th Annual Best of Las Vegas poll ng Las Vegas Review Journal. Ngayong tapos na ang kontrata niya ay magbabalik na siya sa Pilipinas at mapapanood na siya sa TV5.

0 comments:

Post a Comment