Jairus Aquino‘s character in Malay Mo Madevelop has issues aboutcircumcision.
Hindi maipagkakaila na sa murang edad na 11, malayo na nga ang narating ng batang aktor na si Jairus Aquino. Magmula ng gampanan niya ang role ni Jomar, ang “best friend ng bayan” sa hit na hit na Super Inggo noong 2006, naging mabilis ang pag-angat ng karera ni Jairus. Sa katunayan, sa loob lamang ng halos apat na taon na pagiging aktibo sa showbiz, nakagawa na siya ng humigit kumulang na 30 TV shows at pelikula.
Inilahad ni Jairus na bagaman kinakain ang sanang libreng oras niya ng tapings, maging sa TV, pelikula o commercials man, masaya pa rin daw niyang nae-enjoy ang kanyang pagkabata. Iginiit na walang dapat ipanghinayang sa maaga niyang pagpasok sa showbiz, lalo’t magandang puhunan ito para sa mas malaking karera sa hinaharap.
“Masaya po talaga ako sa pag-aartista. Pero siyempre, hindi ko pa rin kinakalimutan ang studies ko dahil promise ko po na makakatapos ako ng pag-aaral. Nakakapaglaro pa naman ako kapag may free time sa school or kahit sa set,” ani Jairus.
Malaki din ang pasasalamat ni Jairus sa kanyang mga magulang na buong-pusong umaagapay sa kanya sa landas na kanyang tinatahak. Aniya, kung wala ang kanyang mga magulang, kailanman ay hindi niya mapapanatili ang magandang performance, sa school man o sa showbiz. “Thankful po talaga ako sa mommy at daddy ko na parati pong nandiyan para tulungan ako.”
Nang tanungin si Jairus kung sino sa mga pinakasikat na aktor ngayon ang ini-idolo niya at nais niyang sundan ang yapak, agad niyang sinabi na ang kanyang co-star an si Aga Muhlach iyon. “Si Tito Aga po sobrang mabait. Mahilig pong magbigay ng advice sa ‘min.”
Sa usapin naman ng pagpapatuli, matapang na sinabi ng nagbibinatang si Jairus na wala siyang pangamba, lalo’t bahagi naman iyon ng buhay ng bawat batang lalaki.“Lahat naman po nga lalaki dadaan sa ganun. Hindi po ako natatakot.”
Samantala, sa M3 ngayong darating na Sabado, maayos nang pinapatakbo ni Kringkring (Aiai delas Alas) at JM (Aga) ang JMBBuilders. Ngunit isang tao naman ang darating upang guluhin ang kumpanya. Iyon ay si Bartolome de Asis (William Martinez) na gagawin ang lahat makapaghiganti lang kay JM. Si Kringkring naman, sa sobrang subsob sa kanyang trabaho, nakalimutan ng subaybayan ang nag-iisang anak na si Marcus (Jairus) na sa edad na 12 ay hindi pa pala nakakapagpatuli.
Kasama rin sina Megan Young, Niña Jose at Jojo Alejar, ang M3 ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Frasco Mortiz.
Abangan at huwag palampasin ang Malay Mo Ma-develop o M3, Primetime Sabado, 10:15 p.m. sa ABS-CBN.
0 comments:
Post a Comment