There was an error in this gadget

A lot of prizes and surprises are at stake as “Happy Yipee Yehey” welcomes the summer season this Saturday.

Humanda na! Ngayong Sabado, buong pagmamalaking inihahandog ng patok na patok Happy Yipee Yehey! (HYY) ang iba’t ibang regalo at sorpresa nito ngayong summer.


Ang pinaka-aabangang segment na Ikaw ang Bida ay makiki-summer party. Kaya naman, inaanyayahan ni John ang lahat na maghanda. “Isuot nyo ang inyong pinaka-seksing swimsuit at malay mo, ikaw ang mapiling maglaro at manalo ng P50,000,” aniya
Maliban sa limpak-limpak na papremyong ipamumudmod, makiki-party at magpapakilig ang pinaka-pinaguusapang love team ngayon, sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson ng pinakabagong Star Cinema offering Catch Me I’m In Love.
Makikisaya din ang nag-iisang Concert King Martin Nievera. Aawitin niya ang theme song ng kapana-panabik na teleseryeng Nasaan Ka Elisa?
Plus, bukod sa umaatikabong performance nina Sarah at Gerald, maglalaro din ang sikat na love tandem sa kapana-panabik na One Time Big Time. Ang masuwerteng chosen charity ng dalawa ang magkakamit ng premyong klanilang mapapanalunan. Maging One Time Big Time kaya sina Erich at Enchong?
Sa Pera O Bayong, graduating students naman ang bida. Lahat sila ay maglalaban-laban para sa maswerteng bayong. Masungkit kaya nila ang tumataginting na P1,000,000?
“Ang makapagpasaya ng maraming ay talaga namang fulfilling. Kaya I was really lucky na nakabalik ako sa ganitong trabaho. Siyempre, without the people behind the cameras, hindi magiging ganito kasaya ang Happy Yipee Yehey!,” ani Mariel.
Talaga nga namang walang patid na saya ang hatid ng pinakabagong kabarkada sa tanghali, kasama ang iba mga host na sina Bianca Manalo, Melai Cantiveros, Mattheo Guidecelli, John Pratts, Jobert, Bentong at Sam Milby.
Huwag palampasin ang Happy Yipee Yehey na araw-araw nang mapapanood mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN. Bida Best Kapamilya!

0 comments:

Post a Comment