There was an error in this gadget

Clara will have a change of heart while a new “kontra bida” will enter the country’s no. 1 TV program…

Isang malaking proyekto di umano ang gagawin ni Kathryn Bernardo kaya bigla siyang mamaalam sa Mara Clara. Sa kanyang murang edad, nakitaan na ng brilyo sa pag-arte si Kathryn. Hindi maitatangging epektibo ang kanyang pagganap bilang Mara. Napaluha niya ang inyong mga gabi sa mabibigat niyang mga eksena. Kaya naman hindi nakapagtataka na mabigyan siya ng mas malaking proyekto.


Isang malaking pangyayari ang magbabago sa buhay ng mga Del Valle at David sa pagkawala ni Mara. Samantala, isang mabait at bagong Clara (Julia Montes) ang ating makikita. Pipilitin ni Clara na makuha ulit ang loob ni Elvira (Dimples Romana). May papasok kayang bagong tauhan na magpapahirap sa buhay ng mga Del valle at David?

Sino kaya ang magiging bagong kontrabida kung babait na si Clara?

Samantala tuluy-tuloy pa rin ang pangunguna ng Mara Clara sa ratings. Ayon sa Kantar Media /TNS, hindi pa rin natitinag sa unang puwesto ang kinababaliwang serye sa primetime. Pumalo ng 34% na national rating noong February 28 ang “Mara Clara” laban sa 17.1% lamang ng “Machete” ng GMA7.

Maki-iyak at samahan sila sa paghihinagpis sa pagpanaw ni Mara. Abangan at huwag palagpasin ang mga kapana-panabik na pangyayari sa pamilya ni Mara at Clara sa “Mara Clara,” pagkatapos ng ‘Mutya’ sa ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment